video 28 Dec

Ika’y aking kaibigan.

Kay raming pinagsamahan

Ngayong ako’y kailangan,

Paano kitang iiwan?

Anumang tarik ng bundok,

Sasama ako sa talutok,

Kung rurok-dagat ang s’yang alok,

Kasama mo akong aarok.

Anumang lagim ng bangin.

Anumang bangis ng hangin,

Malaglag man—mga bituin,

Makaaasa ka sa ‘kin.


Design crafted by Prashanth Kamalakanthan. Content powered by Tumblr.